Not Found

Stuffs. Nagpunta kami ng kapatid ko kanina sa mall, wala lang trip ko lang. Kahit hindi pa ako pwedeng magpagod masyado. Nagdahilan na lang ako na para naman maaliw-aliw ako. Haha. Ayan lang ‘yung mga gamit na nabili ko. 
May Catleya Notebook at pang-refill na ako sa G-Tec ko para sa pasukan, pero hindi pa naman ako nakakapag enroll. May pouch na rin para sa mga panibagong forms ko. Ang emo design na ID lace pero hindi naman ID ang ilalagay ko at cellphone. Panibagong panyo kasi palaging kinukuha ng mga kaibigan ko ang mga panyo ko. At ang bagong libro na siya ring bago kong pagkakaabalahan. :)) {

Stuffs. Nagpunta kami ng kapatid ko kanina sa mall, wala lang trip ko lang. Kahit hindi pa ako pwedeng magpagod masyado. Nagdahilan na lang ako na para naman maaliw-aliw ako. Haha. Ayan lang ‘yung mga gamit na nabili ko. 

May Catleya Notebook at pang-refill na ako sa G-Tec ko para sa pasukan, pero hindi pa naman ako nakakapag enroll. May pouch na rin para sa mga panibagong forms ko. Ang emo design na ID lace pero hindi naman ID ang ilalagay ko at cellphone. Panibagong panyo kasi palaging kinukuha ng mga kaibigan ko ang mga panyo ko. At ang bagong libro na siya ring bago kong pagkakaabalahan. :))

Yehey! Kanina ko lang ‘to nabili at kumpleto na ang Bob Ong books ko. Medyo late ko na ‘to nabili kasi nung panahon na na-release ‘to ay medyo busy at magastos ako sa paggawa ng thesis. Kaya ayun.
Nakakatuwa lang, hindi ko pa siya tapos basahin, pero naeexcite na akong basahin ang susunod na lilbrong isusulat ni Bob Ong. :)) {

Yehey! Kanina ko lang ‘to nabili at kumpleto na ang Bob Ong books ko. Medyo late ko na ‘to nabili kasi nung panahon na na-release ‘to ay medyo busy at magastos ako sa paggawa ng thesis. Kaya ayun.

Nakakatuwa lang, hindi ko pa siya tapos basahin, pero naeexcite na akong basahin ang susunod na lilbrong isusulat ni Bob Ong. :))

Ang Bagong Piso. {

Ang Bagong Piso.

Start na ng June, hindi pa ako enrolled. Hindi pa ako nakakapagtake ng exam. Hindi ako nagiintindi para sa pagpasok ko. Hindi pa gaanong maayos ang pakiramdam ko. Iba na talaga kapag may sakit sa puso. Hay. 

Nagsisisi ako at inadd ko pa siya sa bago kong account sa Facebook. Nakakabasa na naman ako ng mga landian. Nakakabitter naman talaga e. Iha-hide ko na naman ang post niya, kagaya ng ginawa ko sa dati kong account. June 1 ngayon at nagpost siya ng “June 01, I love this day! ♥”. Ibig sabihin hindi masyadong naging maganda ang pasok ng buwan ng Hunyo sa akin. Palagi naman, sa kahit anong buwan, kasi palaging may 01, monthsary nila e. Edi sila na. Sawa na akong sabihin na, “Masaya ako para sa kanya.” Lokohan? Ginagago ko ang sarili ko. Isang taon na pero bakit ganito pa rin? Nakakainis talaga! 

First love never dies.

Nakakainis! 

Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Nung malaman ko na hiwalay na sila dahil sa relationship status na nakita ko, bigla akong natuwa. Tapos tinry kong buksan ang profile nung naglike doon sa dating kong wall post, parang bumigat ang pakiramdam ko sa mga nabasa ko. Hay. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ganito? Nagkamali pala ako. =/ Pero bakit kailangan ko pang maging malungkot at mainis? Ugh!

Kanina at sa mga nagdaang araw, siya ang naiisip ko. Kasi nga nalaman ko na hiwalay na sila, pero hindi naman ibig sabihin nun ay gusto ko pa siya. Siguro naging bitter nga lang talaga ako kasi nararanasan na din niya ang mga ipinaranas niya sa akin noon. ‘Yung sakit na naramdam ko noon ay naramdaman na niya dahil naghiwalay sila, hindi lang din siya, at silang dalawa. Pero hindi naman ganun ang nangyari. Wala sigurong hiwalayan na naganap. Ang bitter ko pa rin! 

Kanina narinig ko ‘yung kantang First Love, siya agad ang una kong naalala. Sa bawat lyrics na iniintindi ko, siya ang pumapasok sa isip ko. Aw. First love never dies.

Letting go is the hardest thing to do and the easiest way to move on.

(Source: masterjv)

The way na may basag ‘yung gitara mo, MASAKIT!  {

The way na may basag ‘yung gitara mo, MASAKIT! 

Day 13: Hand write your lucky number.
Dahil wala naman talaga akong lucky number at 8 days to go na rin. Iyan na lang. {

Day 13: Hand write your lucky number.

Dahil wala naman talaga akong lucky number at 8 days to go na rin. Iyan na lang.

Mabait na po ako.

  • PINSAN: Okay ka na?
  • AKO: Oo. :) Oy, mabait na ako ngayon, bukas at sa darating pang mga bukas. Haha.
  • PINSAN: Oh? Ngayon lang 'yan. Haha.
  • AKO: Hindi kaya, Ayaw ko na nga uminom e, hindi na rin ako nagyoyosi. At tatanggalin ko na rin ang hikaw ko sa dila sa June 8.
  • PINSAN: Talaga? Wow! Ikaw ba 'yan? Haha.
  • AKO. >.<

Ang dami kong namiss.

Namiss ko ang laban ng kapatid sa isang Amateur Singing Contest dito sa lugar namin. Hindi ko napanood kung paano siya kumanta. Hindi ko rin napanood nung tinanggap na niya ang prize niya dahil nakuha niya ang First Place sa contest. Nakakalungkot. 

Nagtext lang sa akin ang Kuya ko na first nga siya, nakakatuwa naman. Gusto ko na kaagad umuwi nang malaman ko ‘yun kahit na may nakatusok sa kamay ko na dinadaluyan ng tubig mula sa bote ng plastic. Namiss ko tuloy ‘yun. Mabuti na lang din at may video, doon ko na lang siya pinanood. Hindi ko na rin napanood ang naging resulta ng sa impeachment ni Corona. Haha. Hindi rin ako nakapanood kung paano maggawa ng leche plan, habang ako ay nakahiga lang sa isang kama na hindi ko naman pag aari. 

Namiss ko ang fiesta, kahit na ‘yung araw na ‘yun ako umuwi galing sa isang lugar na kung saan maraming tao ang ayaw na ayaw puntahan.

Gising pa rin talaga ako hanggang ngayon. =/